Saturday, September 23, 2006
nagiisip ako kung ano ang pwede kong ilagay. kahit ano na lang. nakakakuha na ako ng application form sa DLSU-Manila. pero di basta-basta ang dinaanan namin paghihirap.
last tuesday kami pumunta doon. since early dismissal, tinake na namin yung chance. eto yung mga kasama ko: si luigi, belle, mich at revee. pumunta na kami sa MRT terminal para makaalis na. nung unang trip, konti lang ang passengers kaya ok pa. nkaupo pa kami. next station, LRT. bili ulit ng tiket at hintay then alis na. nakaupo ulit kami.
pagdating sa La Salle, hindi pa pala doon yung hinahanap namin. hiwalay kasi yung admissions office nila. so naglakad kami ng naglakad. lakad.lakad. at halos umabot na kami sa susunod na station ng LRT. at ayun, umabot na kami. pasok sa building nila pero kailangan pang i-log yung laptop na dala namin. ang-OC nila. pati serial # kailangang isulat. pagkatapos sa guard, nakapasok na rin sa main office. ayun. pumila na kami. nauna si luigi, tapos si revee, si mich, si belle, at huli ako. nakakuha na kaming lahat ng green na folder na may lamang application forms, booklet, bookmark at ibang pang papel.
pabalik naman. naglakad uli pabalik sa station ng LRT. lakad lakad. bili kaagad ng tiket at hintay. pagdaan ng LRT sa harap namin, hindi kami natuwa sa dami ng tao. pumasok na sa LRT at tumayo kami. ok pa nga kasi walang masyadong tao. ayun, pagbaba, punta ulit sa MRT station at bili ng tiket. pasok uli at hintay. pagkakita namin sa MRT, ok pa kasi kahit tatayo kami, walang masyadong tao... ok. sa next station ng MRT, biglang ang daming tao. napuno na kaagad. buti na lang at pumwesto kami sa pinakadulo kaya nakasandal kami sa glass window. pero, nahiwalay si belle. ayun, nagtiis kami for 30mins at sa wakas, bumaba na rin ang maraming tao sa isang station. ayun. nasa quezon ave. na kami. haay. makikipagkita pa pala sa client for web dev.. nakita na namin siya at ang tagal magload ng laptop. medyo nainip ang client. ok, dumating na si anne. at natapos na ang transaction. uwi na sa pisay. :D
next, baby pics. nangolekta na si andrew at naibigay ko yung akin.
ako yan noong birthday ko 14 years ago. :D
inaalala ko pa pala ang viscomm. medyo hindi nga obvious na ito yung entry ko para doon. [sana mahalata ^,^] ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pag-vviolin. sumali nga ako sa music club ng pisay eh. 3rd year ko na nga ito pero di pa ganun kalaki ang improvement ko kasi laging busy sa school. pero di ko inasahan na magiging ganito ako kapassionate sa pag-vviolin. pangarap ko ngang makasali sa isang sikat na orchestra someday. hehe.
next, napansin ko rin na ang dami ng nagbago since first year. tumangkad ako at nagbago na ang hairstyle ko. naging tahimik na rin ako. wala lang. sana pumasa ako sa lahat ng entrance exam for college.
di pa ako tapos sa Once and Future King at ang dami pang isusubmit this week. sana maging maayos ang lahat. sana manalo ang yellow team ng boys truth sa basket. sana pumasa ako sa math long test. ^_^
Friday, September 15, 2006
september na. malapit na ang pasko. [excited] tinamad ako last week kaya ngayon lang ako nakagawa ng bago.. simulan natin sa humanities week. nung first day, nagkaroon ng mini sports fest.. black team kami at walang preparations ang seniors ng team namin... parang wala lang. ni hindi nga nagmeet yung team nung 9:30am-12:00nn na alotted time for the team... so nagkitakita na lang ung members mga 5mins before start ng activity.... ang games, sack race, dodge ball na weird, tag for 'peace' at maria goes to pisay... kaso umulan kaya natigil nung naglalaro sa last game... nung inannounce na ung winners, first pala kami... unexpected.. :D ayun... masaya ang lahat..
tapos, 2nd day, tumugtog ako for himig sa thanksgiving mass at service... ayun, parang ganun lang... tapos, yung afternoon, time for practice sa pinoy... :D gusto ngang magcut nung iba sa morning activities para magpractice pero bawal talaga... nagsimula na yung practice at ang venue ay sa harap ng gym. inabot kami ng mga 8pm dun at since walang lights, kumuha ng lampshade yung ibang dormers.. resourceful talaga... pero nung time na madilim na, medyo spooky kasi, may ghost stories dati tungkol sa gym at nagtakutan pa ung iba.. kaya tinapos na ung practice... umorder pala muna kami sa mcdo at naghintay sa front lob para sa delivery... masaya na naman ang lahat pero pagod lang...
3rd day is Filipino day. sa wakas, ippresent na rin namin ung super pinaghirapang sayaw sa audi.. nagsimula ang araw namin sa isang activity tapos, practice na... practice, practice, practice... tapos rest before the presentation... napanood namin ung ibang sections since last kami at ang gaganda ng kanila... pero hindi kami nadiscourage... nagpray muna ang section namin nung kami na ang susunod at ginawa ulit yung class ritual na stretching for 20 counts... :D ang saya nun. kami na.. kinakabahan ang iba.. nasa backstage na at nasa center na si revee.. nagintro muna si nikki at tapos na siya... naghihintay kami... kaso, may technicalities na naman... walang cd player or something like that.. pero nagawan naman ng paraan... ok.. ready na. nagstart na rin yung music... performance level ang lahat at serious talaga... relatively, mas maganda talaga yung presentation namin kesa sa practices kaya masaya kami... natapos na at pinakawalan si Sophia the dove. hinintay na lang yung judges... at inanounce na nga... third ang truth!!! ang saya namin nun kasi may napatunayan na ung section namin... :D pero ang pinakamasaya talaga dun ay nagbunga yung paghihirap namin.. after the contest, may problem pa pala. kailangang mahuli si sophia... nagtulung-tulong yung class para mahuli siya at after several attempts, nahuli na rin.. hehe
yun na lang muna siguro...yun lang talaga yung pinakamemorable eh... hindi ko talaga malilimutan yun... medyo napahaba ang post ko...hehe sige, bye...
Saturday, August 19, 2006
tapos na ang first quarter except for english... may formal essay at Readers' theater pa...
anyway, 8 months to go before graduation... nakakaexcite magcollege... pero sobra naman ata... ^_^ kailangan ko pa palang maghanap ng article about economic problems today...
masaya ang 1st quarter, pero medyo mahirap kasi di gaanong katulad ng 3rd year ko... kung dati, paeasy-easy kami sa mga humanities subject namin, ngayon sila na ang pinoproblema namin... English, Filipino at Econ... nakakaasar nga eh.. imbis na sila ung pambawi para sa grades namin, sila pa ung humahatak pababa... :( actually, baka na sa akin lang talaga ang problema... nasanay lang ako na hindi pabigat ang subjects na yun... basta... kailangang bumawi this quarter...
nagkaroon na rin pala kami ng practice sa himig this week with mam crisostomo... dumami ang '07 members kaya mas masaya. may mga pro violinist pa na freshman... :D
nakakaasar pa... ininstall ko kanina yung cd ng classmate ko na "Age of Mythology: Titans Expansion" sa pc kaso, ayaw mag-run... tatlong beses ko siyang ininstall at inuninstall pero wala talaga... nasayang tuloy ang oras ko.. sayang talaga.. nakakadepress....
pero natanggap ko na rin... ah basta.. may practice pa sa monday for readers' theater... sayang ang holiday... pero walang choice.. kailangang bumawi sa english...
salamat sa compassion ni mam oblepias... :D
Saturday, August 12, 2006
this is one nice violin...
"my life shifts along with the curves of the violin..."
tomorrow is definitely different from today and yesterday...
wahaha... tapos na upcat at perio... naku, pamatay yung second day of exams namin... patalo talaga yung mythology ni edith hamilton. inabsorb lahat ng time ko sa pagrereview... :(
eh kasabay nun yung physics at econ!!! mga deadly subjects... yung physics, walang given formulas... kinailangan pang magmemorize. tapos yung econ!!! haay... nakakadepress... kasi naman, modified true or false yung style tapos, 4 statements ang iaanalyze mo... example:
I. blue is not orange
II. roses are red
III. white is the opposite of black
IV. econ is easy
>kapag ang sagot mo ay True/True/True/False, makukuha mo ung 4 points... kapag sagot mo naman ay True/True/True/True, sorry ka kasi all or nothing siya... ang saya no? well, ilan lang yun sa mga nakakabaliw na tests nung perio week...
basta, thankful pa rin ako kasi, natapos na ang first quarter... ayy, di pa pala kasi may Readers' Theater pa kami... sayang.. pero ok pa rin naman.. at least, 3/4 na lang ng stay ko sa pisay ang aalalahanin ko... wahaha.. basta, dapat maging extra attentive na ko sa mga subjects namin this time... dapat lang...
haay, kapag tapos na itong problemang to, may kasunod na naman... actually, yun naman talaga ang dapat kong iexpect sa pisay... may Sayaw Interpretasyon pa sa pinoy... sana maging successful ang section namin... go Truth!!! :D
Sunday, August 06, 2006
yehey.... tapos na ang upcat!!! ang saya... at least nabawasan na ung load ko sa pisay... di ko na rin kailangang mag-weekend stay... :D ang dami talagang benefits pag ganito... kaso nga lang, matagal pa ang results kaya kailangan pang maghintay... anyway, masaya ang experience ko before and after upcat...
nung umaga, nagreview kami... [mga pasaway!!] pero wala namang masama diba... sabi kasi ni kuya Ed, wag ng magreview the night before the exam... lalo na kapag the morning before the exam...hehe pero ok lang... di naman kasi nabura ung memory ko nung nagtetest na... bago un, nagcommute muna kami papunta sa philcoa... dahil 1230pm ang sked namin, umalis kami ng pisay ng 945am... tapos, dumaan sa mcdo philcoa at bumili ng lunch... ang dami nga naming naloko dun kasi, naghihintay kami sa tapat nung counter na closed. ang tagal kasi nung inorder namin... paglingon namin sa likod, aba, ang daming nakapila sa linya namin... tapos, nagtataka sila kasi, di gumagalaw ung pila.. hehe hindi naman kami nagsalita kasi obvious namang closed un... pero, napansin nung isa sa likod na may nakadisplay na CLOSEd dun sa counter... ayun, narealize nila na hinihintay lang namin ung order... hehe tapos, meron na namang pumila sa likod... pinabayaan na lang naming marealize din nila un...
inabot kami ng mga 45minutes sa paghihintay ng fillet-o-fish ni ben... :D pero ok lang kasi sobrang aga naming umalis... ayun... papunta naman sa UP... naghihintay kami ng jeep pero puno lahat... tapos, nakita namin sa side, may terminal pala.... [kaya pala puno lahat ng inaabangan namin...hehe] ayun, pumunta kami dun at nakasakay na rin kami... :D pagdating sa law center, naghiwalay na kami... si justin at romar tapos, ako at si ben...
naghintay na naman kami... kumain kami habang nakapila at inaabangan ung ibang taga-pisay... una si jekay, tapos si lara, then sina apol at lou....sila lang ung nakita namin.... ayun, umandar na yung pila papasok sa building.. akala namin, yun na yun.. tapos, maghihintay pa pala kami sa hallway for almost 2 hours... nakakabore tlaga nun... finally, nakapasok na kami sa testing room... bawal daw magtabi ang magkakilala... eh nahuli kami ni ben na naguusap pagpasok namin kay pinaghiwalay kami... so ayun, kamukha pala ni nico R. ung examiner namin... after 4hrs of testing time, natapos na rin ang upcat.... yehey!!!
paglabas namin, umuulan... haay... ok na sana... tapos, ako lang ang may payong... apat kami... pano un? edi nabasa ung dalawa sa amin... :D [sino kaya un?] anyway, umuwi na kami sa pisay... hehe ayun, habang nasa taxi pala, nagkkwentuhan pa rin tungkol sa upcat... ibaiba pala ang set of questions sa bawat student... pero may pareho naman... ayun... ang saya ng araw na yun... nakakapagod nga lang....
yes!!! tapos na upcat... tapos na upcat... tapos na upcat.... perio naman... perio naman... perio naman.... haay.... stressful....
Saturday, July 22, 2006
saturday na naman at kakatapos lang ng upcat review... mabigat ang load for the past week... lagi naman eh. anyway. last week na rin yun ni mam tarun... nakakalungkot... naging masaya, exciting, enjoyable at conducive to learning ang physics class namin dahil sa kanya... marami pa kaming natutunan tulad ng Kirchhoff's rule at maraming pang iba...
naging teacher ko na siya noong 2nd year. likas na mabait itong si mam tarun... concerned siya sa students niya ever since... masaya din ang mga jokes niya at kapupulutan ng aral. ang problema lang, corny. anyway, ibang klaseng teacher siya. mahilig siyang magbigay ng chances sa students para maimprove pa nila yung performance nila... sayang nga lang at mawawala na siya... magaabroad kasi siya...
sa bagay, advantage naman niya yun kasi, magiging malaya na siya mula sa gulo ng mga students niya... medyo lang naman. makakapagrelax na rin siya sa wakas...hehe oo nga pala... nag-longtest pa kami sa physics noong last meeting namin... tapos, napagusapan na gumawa ng dedication sa scratch portion... hehe
yun. bumawi na lang ung iba dun. sayang nga lang at nagpakabait lang kami sa kanya noong paalis na siya. sana, matagal na naming ginanagawa yun kahit hindi namin alam na aalis na siya... sayang lang talaga... yun. dedicated talaga ang post na to para kay mam tarun... hehe
thanks mam!!!
Saturday, July 15, 2006
malakas ang hangin kahapon... ang ingay din ng patak ng ulan. di ako makalabas ng bahay kasi wala namang gagawin... nagisip na lang ako ng pwedeng magawa. naisip ko itong blog na to... walang kuwenta yung skin dati... naghanap lang ako ng naghanap...hehe nakakabagot lang kasi walang lumalabas na matino... haay... buti na lang at nakita ko to... tama. itong nakikita mo ngayon sa monitor ng computer mo... tapos pala, kinulit na ako ni luigi dun sa final proposal ng str... akala ko pa naman, mamomroblema ako sa paghahanap ng magagawa.. kaso, bumaliktad ang sitwasyon... mahirap atang maghanap ng rrl sa internet... haay...
tapos, umulan na naman... di ko natapos kagabi ung rrl kaya tinuloy ko kanina... nakakastress talaga mga requirements sa pisay... sana magkaroon ng 1year vacation policy sa randomly-selected students... haay ang saya siguro nun... for the whole year, walang bio, physics, chem, english at STR!!! napakagaan siguro ng feeling..
well, hanggang pangarap lang yun. tapos, tinanong ko sa ibang kaklase yung req'ts for the week... ang dami pala.. as usual.
thankful pa rin ako kahit puro hirap na lang nararanasan ko sa pisay kasi, may kakaibang level of fulfillment naman na nakukuha. basta... bumabagyo pa ein slightly... pero medyo mas tahimik na... the storm is finally over.. kasabay ng pagtapos namin sa str... pero may iba pang req'ts na naghihintay... waah!!!