the broken string: a storm
isang araw, may isang bata... malikot ang bata... maingay ang bata... may hawak na violin ang bata... sa sobrang likot ng bata, napansin siya ng ibang bata... tumutugtog ang bata... masaya ang bata... natamaan siya ng mga batang nagtatakbuhan at natumba ang bata. hindi nagalusan ang violin ng bata... tumayo ang bata at sumabit sa butones ng damit niya ang string ng violin...
Saturday, July 15, 2006
the string is broken. 6:23 AM



malakas ang hangin kahapon... ang ingay din ng patak ng ulan. di ako makalabas ng bahay kasi wala namang gagawin... nagisip na lang ako ng pwedeng magawa. naisip ko itong blog na to... walang kuwenta yung skin dati... naghanap lang ako ng naghanap...hehe nakakabagot lang kasi walang lumalabas na matino... haay... buti na lang at nakita ko to... tama. itong nakikita mo ngayon sa monitor ng computer mo... tapos pala, kinulit na ako ni luigi dun sa final proposal ng str... akala ko pa naman, mamomroblema ako sa paghahanap ng magagawa.. kaso, bumaliktad ang sitwasyon... mahirap atang maghanap ng rrl sa internet... haay...

tapos, umulan na naman... di ko natapos kagabi ung rrl kaya tinuloy ko kanina... nakakastress talaga mga requirements sa pisay... sana magkaroon ng 1year vacation policy sa randomly-selected students... haay ang saya siguro nun... for the whole year, walang bio, physics, chem, english at STR!!! napakagaan siguro ng feeling..
well, hanggang pangarap lang yun. tapos, tinanong ko sa ibang kaklase yung req'ts for the week... ang dami pala.. as usual.

thankful pa rin ako kahit puro hirap na lang nararanasan ko sa pisay kasi, may kakaibang level of fulfillment naman na nakukuha. basta... bumabagyo pa ein slightly... pero medyo mas tahimik na... the storm is finally over.. kasabay ng pagtapos namin sa str... pero may iba pang req'ts na naghihintay... waah!!!