yehey.... tapos na ang upcat!!! ang saya... at least nabawasan na ung load ko sa pisay... di ko na rin kailangang mag-weekend stay... :D ang dami talagang benefits pag ganito... kaso nga lang, matagal pa ang results kaya kailangan pang maghintay... anyway, masaya ang experience ko before and after upcat...
nung umaga, nagreview kami... [mga pasaway!!] pero wala namang masama diba... sabi kasi ni kuya Ed, wag ng magreview the night before the exam... lalo na kapag the morning before the exam...hehe pero ok lang... di naman kasi nabura ung memory ko nung nagtetest na... bago un, nagcommute muna kami papunta sa philcoa... dahil 1230pm ang sked namin, umalis kami ng pisay ng 945am... tapos, dumaan sa mcdo philcoa at bumili ng lunch... ang dami nga naming naloko dun kasi, naghihintay kami sa tapat nung counter na closed. ang tagal kasi nung inorder namin... paglingon namin sa likod, aba, ang daming nakapila sa linya namin... tapos, nagtataka sila kasi, di gumagalaw ung pila.. hehe hindi naman kami nagsalita kasi obvious namang closed un... pero, napansin nung isa sa likod na may nakadisplay na CLOSEd dun sa counter... ayun, narealize nila na hinihintay lang namin ung order... hehe tapos, meron na namang pumila sa likod... pinabayaan na lang naming marealize din nila un...
inabot kami ng mga 45minutes sa paghihintay ng fillet-o-fish ni ben... :D pero ok lang kasi sobrang aga naming umalis... ayun... papunta naman sa UP... naghihintay kami ng jeep pero puno lahat... tapos, nakita namin sa side, may terminal pala.... [kaya pala puno lahat ng inaabangan namin...hehe] ayun, pumunta kami dun at nakasakay na rin kami... :D pagdating sa law center, naghiwalay na kami... si justin at romar tapos, ako at si ben...
naghintay na naman kami... kumain kami habang nakapila at inaabangan ung ibang taga-pisay... una si jekay, tapos si lara, then sina apol at lou....sila lang ung nakita namin.... ayun, umandar na yung pila papasok sa building.. akala namin, yun na yun.. tapos, maghihintay pa pala kami sa hallway for almost 2 hours... nakakabore tlaga nun... finally, nakapasok na kami sa testing room... bawal daw magtabi ang magkakilala... eh nahuli kami ni ben na naguusap pagpasok namin kay pinaghiwalay kami... so ayun, kamukha pala ni nico R. ung examiner namin... after 4hrs of testing time, natapos na rin ang upcat.... yehey!!!
paglabas namin, umuulan... haay... ok na sana... tapos, ako lang ang may payong... apat kami... pano un? edi nabasa ung dalawa sa amin... :D [sino kaya un?] anyway, umuwi na kami sa pisay... hehe ayun, habang nasa taxi pala, nagkkwentuhan pa rin tungkol sa upcat... ibaiba pala ang set of questions sa bawat student... pero may pareho naman... ayun... ang saya ng araw na yun... nakakapagod nga lang....
yes!!! tapos na upcat... tapos na upcat... tapos na upcat.... perio naman... perio naman... perio naman.... haay.... stressful....