Saturday, September 23, 2006
nagiisip ako kung ano ang pwede kong ilagay. kahit ano na lang. nakakakuha na ako ng application form sa DLSU-Manila. pero di basta-basta ang dinaanan namin paghihirap.
last tuesday kami pumunta doon. since early dismissal, tinake na namin yung chance. eto yung mga kasama ko: si luigi, belle, mich at revee. pumunta na kami sa MRT terminal para makaalis na. nung unang trip, konti lang ang passengers kaya ok pa. nkaupo pa kami. next station, LRT. bili ulit ng tiket at hintay then alis na. nakaupo ulit kami.
pagdating sa La Salle, hindi pa pala doon yung hinahanap namin. hiwalay kasi yung admissions office nila. so naglakad kami ng naglakad. lakad.lakad. at halos umabot na kami sa susunod na station ng LRT. at ayun, umabot na kami. pasok sa building nila pero kailangan pang i-log yung laptop na dala namin. ang-OC nila. pati serial # kailangang isulat. pagkatapos sa guard, nakapasok na rin sa main office. ayun. pumila na kami. nauna si luigi, tapos si revee, si mich, si belle, at huli ako. nakakuha na kaming lahat ng green na folder na may lamang application forms, booklet, bookmark at ibang pang papel.
pabalik naman. naglakad uli pabalik sa station ng LRT. lakad lakad. bili kaagad ng tiket at hintay. pagdaan ng LRT sa harap namin, hindi kami natuwa sa dami ng tao. pumasok na sa LRT at tumayo kami. ok pa nga kasi walang masyadong tao. ayun, pagbaba, punta ulit sa MRT station at bili ng tiket. pasok uli at hintay. pagkakita namin sa MRT, ok pa kasi kahit tatayo kami, walang masyadong tao... ok. sa next station ng MRT, biglang ang daming tao. napuno na kaagad. buti na lang at pumwesto kami sa pinakadulo kaya nakasandal kami sa glass window. pero, nahiwalay si belle. ayun, nagtiis kami for 30mins at sa wakas, bumaba na rin ang maraming tao sa isang station. ayun. nasa quezon ave. na kami. haay. makikipagkita pa pala sa client for web dev.. nakita na namin siya at ang tagal magload ng laptop. medyo nainip ang client. ok, dumating na si anne. at natapos na ang transaction. uwi na sa pisay. :D
next, baby pics. nangolekta na si andrew at naibigay ko yung akin.
ako yan noong birthday ko 14 years ago. :D
inaalala ko pa pala ang viscomm. medyo hindi nga obvious na ito yung entry ko para doon. [sana mahalata ^,^] ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pag-vviolin. sumali nga ako sa music club ng pisay eh. 3rd year ko na nga ito pero di pa ganun kalaki ang improvement ko kasi laging busy sa school. pero di ko inasahan na magiging ganito ako kapassionate sa pag-vviolin. pangarap ko ngang makasali sa isang sikat na orchestra someday. hehe.
next, napansin ko rin na ang dami ng nagbago since first year. tumangkad ako at nagbago na ang hairstyle ko. naging tahimik na rin ako. wala lang. sana pumasa ako sa lahat ng entrance exam for college.
di pa ako tapos sa Once and Future King at ang dami pang isusubmit this week. sana maging maayos ang lahat. sana manalo ang yellow team ng boys truth sa basket. sana pumasa ako sa math long test. ^_^
Friday, September 15, 2006
september na. malapit na ang pasko. [excited] tinamad ako last week kaya ngayon lang ako nakagawa ng bago.. simulan natin sa humanities week. nung first day, nagkaroon ng mini sports fest.. black team kami at walang preparations ang seniors ng team namin... parang wala lang. ni hindi nga nagmeet yung team nung 9:30am-12:00nn na alotted time for the team... so nagkitakita na lang ung members mga 5mins before start ng activity.... ang games, sack race, dodge ball na weird, tag for 'peace' at maria goes to pisay... kaso umulan kaya natigil nung naglalaro sa last game... nung inannounce na ung winners, first pala kami... unexpected.. :D ayun... masaya ang lahat..
tapos, 2nd day, tumugtog ako for himig sa thanksgiving mass at service... ayun, parang ganun lang... tapos, yung afternoon, time for practice sa pinoy... :D gusto ngang magcut nung iba sa morning activities para magpractice pero bawal talaga... nagsimula na yung practice at ang venue ay sa harap ng gym. inabot kami ng mga 8pm dun at since walang lights, kumuha ng lampshade yung ibang dormers.. resourceful talaga... pero nung time na madilim na, medyo spooky kasi, may ghost stories dati tungkol sa gym at nagtakutan pa ung iba.. kaya tinapos na ung practice... umorder pala muna kami sa mcdo at naghintay sa front lob para sa delivery... masaya na naman ang lahat pero pagod lang...
3rd day is Filipino day. sa wakas, ippresent na rin namin ung super pinaghirapang sayaw sa audi.. nagsimula ang araw namin sa isang activity tapos, practice na... practice, practice, practice... tapos rest before the presentation... napanood namin ung ibang sections since last kami at ang gaganda ng kanila... pero hindi kami nadiscourage... nagpray muna ang section namin nung kami na ang susunod at ginawa ulit yung class ritual na stretching for 20 counts... :D ang saya nun. kami na.. kinakabahan ang iba.. nasa backstage na at nasa center na si revee.. nagintro muna si nikki at tapos na siya... naghihintay kami... kaso, may technicalities na naman... walang cd player or something like that.. pero nagawan naman ng paraan... ok.. ready na. nagstart na rin yung music... performance level ang lahat at serious talaga... relatively, mas maganda talaga yung presentation namin kesa sa practices kaya masaya kami... natapos na at pinakawalan si Sophia the dove. hinintay na lang yung judges... at inanounce na nga... third ang truth!!! ang saya namin nun kasi may napatunayan na ung section namin... :D pero ang pinakamasaya talaga dun ay nagbunga yung paghihirap namin.. after the contest, may problem pa pala. kailangang mahuli si sophia... nagtulung-tulong yung class para mahuli siya at after several attempts, nahuli na rin.. hehe
yun na lang muna siguro...yun lang talaga yung pinakamemorable eh... hindi ko talaga malilimutan yun... medyo napahaba ang post ko...hehe sige, bye...