the broken string: a creative something
isang araw, may isang bata... malikot ang bata... maingay ang bata... may hawak na violin ang bata... sa sobrang likot ng bata, napansin siya ng ibang bata... tumutugtog ang bata... masaya ang bata... natamaan siya ng mga batang nagtatakbuhan at natumba ang bata. hindi nagalusan ang violin ng bata... tumayo ang bata at sumabit sa butones ng damit niya ang string ng violin...
Saturday, September 23, 2006
the string is broken. 6:42 PM



nagiisip ako kung ano ang pwede kong ilagay. kahit ano na lang. nakakakuha na ako ng application form sa DLSU-Manila. pero di basta-basta ang dinaanan namin paghihirap.
last tuesday kami pumunta doon. since early dismissal, tinake na namin yung chance. eto yung mga kasama ko: si luigi, belle, mich at revee. pumunta na kami sa MRT terminal para makaalis na. nung unang trip, konti lang ang passengers kaya ok pa. nkaupo pa kami. next station, LRT. bili ulit ng tiket at hintay then alis na. nakaupo ulit kami.
pagdating sa La Salle, hindi pa pala doon yung hinahanap namin. hiwalay kasi yung admissions office nila. so naglakad kami ng naglakad. lakad.lakad. at halos umabot na kami sa susunod na station ng LRT. at ayun, umabot na kami. pasok sa building nila pero kailangan pang i-log yung laptop na dala namin. ang-OC nila. pati serial # kailangang isulat. pagkatapos sa guard, nakapasok na rin sa main office. ayun. pumila na kami. nauna si luigi, tapos si revee, si mich, si belle, at huli ako. nakakuha na kaming lahat ng green na folder na may lamang application forms, booklet, bookmark at ibang pang papel.
pabalik naman. naglakad uli pabalik sa station ng LRT. lakad lakad. bili kaagad ng tiket at hintay. pagdaan ng LRT sa harap namin, hindi kami natuwa sa dami ng tao. pumasok na sa LRT at tumayo kami. ok pa nga kasi walang masyadong tao. ayun, pagbaba, punta ulit sa MRT station at bili ng tiket. pasok uli at hintay. pagkakita namin sa MRT, ok pa kasi kahit tatayo kami, walang masyadong tao... ok. sa next station ng MRT, biglang ang daming tao. napuno na kaagad. buti na lang at pumwesto kami sa pinakadulo kaya nakasandal kami sa glass window. pero, nahiwalay si belle. ayun, nagtiis kami for 30mins at sa wakas, bumaba na rin ang maraming tao sa isang station. ayun. nasa quezon ave. na kami. haay. makikipagkita pa pala sa client for web dev.. nakita na namin siya at ang tagal magload ng laptop. medyo nainip ang client. ok, dumating na si anne. at natapos na ang transaction. uwi na sa pisay. :D

next, baby pics. nangolekta na si andrew at naibigay ko yung akin.



ako yan noong birthday ko 14 years ago. :D

inaalala ko pa pala ang viscomm. medyo hindi nga obvious na ito yung entry ko para doon. [sana mahalata ^,^] ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pag-vviolin. sumali nga ako sa music club ng pisay eh. 3rd year ko na nga ito pero di pa ganun kalaki ang improvement ko kasi laging busy sa school. pero di ko inasahan na magiging ganito ako kapassionate sa pag-vviolin. pangarap ko ngang makasali sa isang sikat na orchestra someday. hehe.






next, napansin ko rin na ang dami ng nagbago since first year. tumangkad ako at nagbago na ang hairstyle ko. naging tahimik na rin ako. wala lang. sana pumasa ako sa lahat ng entrance exam for college.

di pa ako tapos sa Once and Future King at ang dami pang isusubmit this week. sana maging maayos ang lahat. sana manalo ang yellow team ng boys truth sa basket. sana pumasa ako sa math long test. ^_^